MAGSISIMULA na ang operasyon ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension ngayong buwan ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 ay nagdudugtong sa Baclaran Station, Pasay City at Dr. Santos Station, Parañaque City.
Sa pamamagitan nito ay magiging 30 minuto na lang ang travel time sa pagitan ng Pasay City at Parañaque City.
Tinataya namang 80 libong pasahero bawat araw ang maseserbisyuhan ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1.