Mga operatiba ng PNP, ‘di raw kawatan ng ebidensiya—PNP PIO

Mga operatiba ng PNP, ‘di raw kawatan ng ebidensiya—PNP PIO

PERSONAL na pinabulaanan ni PNP Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo ang mga alegasyong nangungupit o nangunguha ng ebidensiya ang mga operatiba ng pulisya tuwing may operasyon ang mga ito.

Lumabas ang naturang alegasyon kasunod ng kuwestiyunableng raid ng PNP Anti-Cybercrime Group at NCRPO sa Century Peak Tower sa Maynila nitong nakaraang linggo.

Kitang-kita umano kasi sa CCTV ng gusali ang pagpihit ng mga pulis sa nakakabit na camera o CCTV habang paakyat ang mga ito ng hagdanan patungo sa target ng operasyon a ika-23 palapag ng gusali.

Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, tahasang pinasinungalingan ng PNP ang paratang na ito at sinabing hindi kailanman naging kalakaran sa pulis ang pagnanakaw ng mga ebidensiya.

“Let it make it clear this is not the norm. it will never be the norm of any PNP personnel na kumuha, magnakaw ng ebidensya,” wika ni PBGen. Jean Fajardo, Spokesperson, PNP PIO.

Paliwanag pa ng PNP, malaking tulong sa pagpipila ng kaukulang kaso laban sa mga suspek ang pagkalap ng mga ebidensiya.

Sakali man anila na mayroong pulis na masangkot sa magmamanipula ng mga ebidensiya, hindi nila ito hahayaan at kanila itong papapanagutin.

“These are evidence that would support the filing of criminal cases. So, kung meron man allegation na may nag-tamper ng evidence this will not be tolerated,” dagdag ni Fajardo.

Kasalukuyan nang gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing palpak na raid ng mga tauhan ng PNP ACG at NCRPO laban sa Vertex Technology.

Matatandaang, pinagsisibak na pansamantala ang hepe ng NCRPO at PNP ACG at iba pang opisyal nito dahil sa diumano’y kapabayaan at umano’y extortion laban sa naarestong dayuhan mula sa nasabing operasyon.

Follow SMNI NEWS on Twitter