KINUMPIRMA ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bukas ng 24 oras ang OWWA Operation Center para sa agarang tulong ng mga overseas Filipino worker (OFW).
Inihayag ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na itinatag ang operation center para tiyakin na natutugunan ang panawagan at hiling na tulong ng mga OFW hindi lamang sa Pilipinas kundi mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang naturang operation center ay matatagpuan mismo sa gusali ng OWWA kung saan may mga tauhan itong tumututok sa mga tumatawag na OFW.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Atty Sherilyn G. Malonzo ang director ng Operations Center kahit pa holidays at bumagyo bukas pa rin ang operation center para sa mga OFW.
Bukod pa dito ani pa ni Atty. Malonzo nitong nakaraang taon naglagay rin sila ng KABAYAN Helpline para sa mga Pinoy abroad na naho-homesick, stress o naghahanap ng kausap.
Kaya ang operation ay binuksan para din dito na kahit ang isang OFW na walang load ay pwede rin makontak sa pamamagitan ng Viber at Watts App.
Dahil mas madalas Facebook messenger ang komunikasyon ng OFW sa kanilang mahal sa buhay o kamag anak, maabot din ang operation center sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na OWWA OPC.
Ayon kay Ignacio, sa operation center, nakarecord ang lahat ng pag-uusap at haba ng oras ng conversation.