BUHOS ang tulong para sa cancer patients na ngayon ay lumalaban at nagpapagaling sa karamdaman sa National Children’s Hospital.
Financial assistance, regalo at ayuda para sa kanila at kanilang pamilya ang dala ni Tutok to Win Party-list Rep. Sam Verzosa.
Bukod kay Verzosa, nakiisa rin sa charity efforts ang actress na si Rhian Ramos at ang mga tropa mula sa PBA Motoclub.
Kabilang dito sina former Barangay Ginebra players Jayjay Helterbrand at Rico Maierhofer, Pinoy Sakuragi Marc Pingris at mga kinatawan ng Mav’s Phenomenal Basketball.
Matatandaan na una nang naganap ang Charity Basketball Game ng PBA Moto Club at ng Mav’s Phenomenal Basketball nitong Oktubre 22 sa San Juan City.
Nagbigay ng malaking halaga si Rep. Verzosa bilang sponsorship para sa nasabing charity game para sa mga taga Children’s Hospital.
“Of course, kasama natin dito yung PBA Moto Club led by Jayjay Helterbrand, Marc Pingris, Rico Maierhofer, pati si Kuya Will, at lahat ng bumubuo ng Tutok to Win. Tuluy-tuloy lang po ang pagtulong at pagbibigay namin ng financial assistance at mga regalo sa mga pasyente natin dito sa NCH,” dagdag pa ni Rep. Verzosa.