Operator ng nasunog na bus sa Thailand, kinasuhan ng Thai police

Operator ng nasunog na bus sa Thailand, kinasuhan ng Thai police

NAKAPAGHAIN na ang Thailand police ng kasong kriminal laban sa operator ng nasunog na bus sa kanilang bansa noong nakaraang linggo.

Ito’y dahil sa imbestigasyon, may hint ng gas leak sa bus na posibleng sanhi ng pagkasunog nito.

Matatandaang mula sa nasunog na bus ay nasa 23 na mga mag-aaral at guro na mula pa sa isang school trip ang kumpirmadong nasawi.

Sa kabuuan, lulan sa naturang bus ang 39 na elementary at junior high school students kasama ang anim na guro nang masunog ito noong Oktubre 1, 2024 sa Bangkok.

Nasa 22 lang ang naka-eskapo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble