SA isang memorandum order ng Department of the Interior and Local Government (DILG), hinimok ni Interior Secretary Benhur Abalos, Jr. ang lahat ng local government units (LGUs) na pangunahan ang pagbabantay sa mga mag-aaral, guro at magulang sa pagbubukas ng klase sa bansa ngayong Agosto 29, 2023.
Sa ilalim ng Oplan Bantay Peligro, magtutulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng DILG, LGUs, Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) para suportahan ang Balik Eskwela 2023 campaign ng DepEd at gawin itong ligtas at mapayapa.
Inaasahan din ang partisipasyon ng publiko sa pamamagitan ng boluntaryong pagmamatyag sa paligid at isumbong agad sa awtoridad ang mga nakikitang kahina-hinalang kilos.
Mas maisasakatuparan din ang misyon sa tulong ng force multipliers, traffic enforcers at mga tanod sa bawat LGU habang katuwang naman sa mga posibleng askidente at banta sa kalusugan ang medical personnel na itatalaga sa bawat mga eskwelahan sa unang araw ng pasukan ng mga ito.