NAKATAKDANG ilunsad ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Oplan Pag-Abot.
Nakatakdang ilunsad hapon ng Biyernes ng DSWD ang pagtulong sa mga pamilya at mga batang palaboy sa lansangan.
Ito ay sa ilalim ng programang Oplan Pag-Abot kung saan magiging katuwang ng ahensiya ang Commission on Human Rights (CHR).
Layunin ng programa na tulungan ang mga tinatawag na ‘children, at individual in street situations’ sa pamamagitan ng mga reach-out operation at iba pang intervention.
Inaasahang ipri-presenta ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, at Oplan Pag-Abot team head Usec. Eduardo Punay ang step-by-step reach-out process sa mga pamilya at indibidwal na nasa lansangan.
Kasama rito ang initial interview o counseling kung saan kukunan ng biometrics, at bibigyan ng identification cards ang bawat indibidwal, at isasalang sa assessment.
Ibabatay sa assessment ang tulong na ilalaan para sa mga kliyente kabilang ang medical assistance, food support, transportation at relocation aid, livelihood opportunities, at marami pang iba.
Target simulan ang reach-out operations sa Metro Manila kung saan magkakaroon ng 24-hour shifting basis ang bawat team na binubuo ng social workers.