Oplan Revitalized Katok, ‘di magagamit sa pamumulitika—PNP Chief

Oplan Revitalized Katok, ‘di magagamit sa pamumulitika—PNP Chief

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na walang halong pamumulitika ang ipinatutupad nilang Oplan Revitalized Katok sa mga pagtungo nito sa mga bahay ng mga inidibidwal bilang kampanya kontra loose firearms.

Iyan ang tinuran ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa kabila ng patuloy na utos ng Commission on Elections (COMELEC) na itigil ito sa gitna ng election period.

Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, hindi naman sila nananakot sa kanilang pagpunta sa bahay kundi isang maayos na pagpapaalala lamang lalo na sa mga hindi pa nairi-renew ang kanilang mga armas.

Kagaya aniya sa layunin ng COMELEC, hangad rin nila ang maayos at mapayapang halalan kaya naman titiyakin nila na hindi sila magiging partisan sa kanino mang politiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble