Organic fertilizer na nakakain, sagot sa food insufficiency ng bansa

Organic fertilizer na nakakain, sagot sa food insufficiency ng bansa

MAY organic fertilizer ngayon na sinasabing sagot sa food insufficiency ng bansa.

Sa isang press conference sa Quezon City ay ipinaliwanag ni Jimmy Vistar ng Unigrow Soil Conditioner kung paano mareresolba ng kanilang bacteria based organic fertilizer ang food sufficiency ng bansa.

Ang Unigrow ay hango sa bacillus laterosporus na matatagpuan lang sa Iceland na sinasabing makapagpaparami sa ani.

Pwede raw ito sa anumang pananim, mapa-palay man, mais o iba’t ibang gulay.

Pwede rin daw pampataba sa punong kahoy.

‘’Yung technology niya is bacteria, good bacteria. Yung lahat ng bad bacteria sa lupa, papatayin niya, siya papalit. So magkaroon ito, good bacteria ang lupa gumaganda ang lupa dahil napalitan na yung bad bacteria kindi good bacteria pumalit,’’ ayon kay Vistar.

Pamatay insekto at peste rin daw ito.

Sa halagang P220 kada sachet ay may instant fertilizer ka na.

Kung gagamitin ito sa isang ektaryang palayan, 36 na sachet lamang ang kailangan dito sa buong cropping period o kulang-kulang P7,000 kada ektarya.

Malayong-malayo sa gastos ng conventional fertilizers.

‘’Number 2, yung cost napakamura compaired sa mga synthetic products. Number 3, hindi mo na kailangan ng mga pestisido. Fungicide, pesticide, foliar andito na lahat eh. Hindi mo na kailangan ng pestisidyo. Andito na eh. Lalayo ang lahat ng peste dahil yung component nito ay yung bacteria na bacillus laterosporus against ang amoy sa lahat ng klaseng peste,’’ ani Vistar.

Lumiham na raw sila Vistar kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para magamit ang Unigrow ng national government.

Ito raw ang sagot sa food insufficiency na nararanasan ngayon kagaya ng shortage sa supply ng sibuyas.

Samantala, edible rin ang Unigrow o ligtas sa tao patunay raw na organic ito.

‘’Ito na, ihahalo natin to sa tubig, ito na, andiyan na. Dapat sana shini-shake eh para lusaw na lusaw pero wala naman tayong lagayan. Ito pwede nating inumin sa harap ninyo para makita sa lahat,’’ saad nito.

Ayon kay Vistar, ilalabas ng Unigrow ang lahat ng dumi sa katawan ng tao.

Pamahalaan at stakeholders, hinimok na magtulungan vs agri smuggling

Hinimok ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee ang pamahalaan at agriculture stakeholders ng malalim na kolaborasyon para labanan ang agricultural smuggling.

Ayon kay Lee, may private sector stakeholders ang nag-aalok ng tulong sa pamahalaan para solusyunan ang ‘chronic smugling’ ng agriculture products na nagpapahirap sa mga Pilipino.

“Nariyan na po ang ating agri-stakeholders na nag-aalok ng tulong. I hope the government accepts this offer, as we need all the help we can get to comprehensively address agri-smuggling in our country,” ani Lee.

Nanawagan din ito kay Pangulong Marcos na i-institutionalize ang Inspectorate and Enforcement Division ng Department of Agriculture.

Ani Lee, dapat pondohan ang opisinang ito, lagyan ng tao para magkangipin sila at patuloy na manghuli ng mga nananamantala sa bayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter