MAGSASAGAWA ang Quezon City ng ilang mga aktibidad na may kaugnayan sa Chinese New Year ngayong January 22.
Sa anunsyo ng lungsod, magkakaroon ang mga ito ng Chinatown Float Parade, Dragon & Lion Dance Performance, Feng Shui, at Fireworks Display.
Mayroon din itong Calligraphy Demonstration, Wushu Exhibition, Food Festival at Bazaar at marami pang iba.
May mga imbitado rin itong celebrity performers para iharana ang mga manonood.
Inaanyayahan ng QC-LGU ang publiko lalong-lalo na ang QCitizens na manood dito.
