Overseas voting sa Brasilia, nagsimula na

Overseas voting sa Brasilia, nagsimula na

NAGSIMULA na ang overseas voting para sa 2022 elections sa Brasilia, Brazil.

Hindi pinalampas ng mga Pilipinong nakatira sa capital city ng Brazil ang pagboto nito sa kanilang napupusuang mga kandidato para sa national elections.

Maayos na pumila ang magboboto sa voting precinct na ginanap sa Philippine Embassy sa Brasilia kung saan umaga palang ay nakapila na ang mga ito sa labas ng Embahada at hindi alintana ang sikat ng araw.

Pinagsikapan ng mga ito na makaboto kahit libu-libong milya ang layo sa Pilipinas.

Samantala, bagamat naging matiwasay ang takbo ng botohan ay may mangilan-ngilan pa ring aberya na nangyari gaya ng naranasan ng isa nating kababayan.

Panawagan naman ng pangulo ng Filipino community sa Brasilia sa mga Pilipino na dapat ay makilahok at huwag sayangin ang kanilang pagkakataong bomoto.

Follow SMNI NEWS in Twitter