OVP, ibinida ang ilang mga ‘historic firsts’ sa unang 100 araw ni VP Sara

OVP, ibinida ang ilang mga ‘historic firsts’ sa unang 100 araw ni VP Sara

IBINIDA ng Office of the Vice President (OVP) ang ilang mga ‘historic firsts’ o mga nagawa sa unang pagkakataon ng isang bise presidente sa unang 100 araw ni VP Sara Duterte.

Ayon kay Vice President Sara Duterte na nagsisimula pa lamang ang OVP at sa mga susunod na araw aniya, higit pa ang aasahan ng bansa mula sa tanggapan.

“In the coming days, there will be more challenges ahead — challenges that we hope to turn into opportunities to be able to serve you and our country better,” pahayag ni VP Sara.

Ayon kay VP Duterte na ang mga unang ito ay hindi lamang makabuluhang magbabago sa pagtingin ng mga Pilipino sa OVP.

Aniya ito ay magpapalakas sa mandato ng tanggapan at magbibigay-daan sa OVP na makapaglingkod sa mas maraming tao sa buong bansa.

Sa isang 14-minutong video report, sinabi ni Duterte na sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng OVP, naitayo ang mga satellite office sa mga pangunahing lugar sa buong bansa.

“We have initiated watershed decisions that would not only significantly change the way Filipino’s look at the Office of the Vice President but most importantly would strengthen it’s mandate and will enable the office to serve more and more Filipinos across the country,” ayon kay VP Sara.

Isa pang una aniya ay ang pagtatayo ng Disaster Operations Center at ang planong permanenteng tirahan para sa mga magiging Bise Presidente ng Pilipinas.

Ang dahilan sa likod ng mga desisyong ito ani Duterte ay upang palakasin ang mandato ng OVP at tiyakin na ang  tanggapan ay hindi kailanman mang-iiwan ng anumang sektor.

“The watershed decisions that we have initiated, the reforms of the pipeline, the expansion of the existing social services programs, the implementation programs aimed at addressing lack of livelihood, and recovery from disasters and armed conflicts, these all bring us to an Office of the Vice President that will never leave any sector behind,” dagdag n VP Duterte.

Samantala, mula nang maupo siya sa pwesto, nakapunta na si Duterte sa 20 lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao at sa mga isla ng Limasawa sa Southern Leyte, Siquijor, at Guimaras para dalhin ang serbisyo ng OVP.

Pinalakas din ni Duterte ang diplomatic relationship sa ibang mga bansa.

Sa nakalipas na 100 araw, nakipagpulong si Duterte sa mga ambassador mula sa Australia, Italy, Ireland, Vietnam, Laos, Japan, New Zealand, Thailand, European Union, Qatar, India, at United States sa Office of the Vice President at Central Office ng Department of Education.

Ilan din sa mga nagawa ng OVP ay nakaproseso ito ng higit P134-M Medical and Assistance Program, nakapagtala ng higit 98-K ridership sa Libreng Sakay at nakapamahagi ng higit 3-K na mga PagbaBAGo kits na naglalaman ng schools supplies at dental kits.

Mga nagawa ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa unang 100 araw:

* P134,376,764.95 na Medical at Assistance Program

* 98,293 riderships sa OVP Libreng Sakay

* 3,220 na mga estuyante ang nakatanggap ng PagbaBAGo kits

SOURCE: Office of the Vice President

Dagdag ng OVP na sa mga susunod na araw higit pa ang aasahan ng bansa mula sa tanggapan.

Follow SMNI NEWS in Twitter