BILANG bahagi ng selebrasyon ng 89th Founding Anniversary ng Office of the Vice President (OVP), isinagawa ang Thanksgiving Activity sa mga bayan ng Bato, Baras, Gigmoto, Panganiban at Bagamanoc sa Catanduanes noong Nobyembre 21-23, 2024.
Sa pamamagitan ng OVP – Bicol Satellite Office, 1,000 food packs ang naipamahagi sa mga benepisyaryo mula sa mga nasabing bayan na lubhang naapektohan ng Typhoon Pepito
Ang Catanduanes ay kabilang sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Typhoon Pepito, kaya’t layunin ng OVP na maghatid ng karagdagang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga residenteng lubos na nasalanta.
Nagpapasalamat ang OVP sa mga LGUs na naging katuwang sa pagsasawa ng nasabing aktibidad na upang mabilis at maayos na maihatid ang tulong sa mga komunidad.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.