IBINIGAY ang P10-M reward money sa impormanteng nagturo sa pinagtataguan ng communists terrorists group (CTG).
Malaki ang pasasalamat ng Philippine National Police (PNP) sa mga sibilyan na nagbigay ng impormasyon at tumulong sa kanila upang mahuli ang mga kriminal na nagtatago sa batas.
Noon pa man ay aminado ang PNP na upang mapabilis ang pagkamit ng hustisya at ang paghahanap sa mga nagtatago sa batas ay kailangan nila ang tulong ng mamamayan.
Kaya naman malaki ang pasasalamat ng PNP dahil sa tulong ng mga sibilyan sa pagkamit ng peace and order sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad kung saan nagtatago ang mga kriminal.
“We would like to thank you for your support against most wanted person I know monetary reward is not enough.”
“I believe even without this reward you are guided, it is everyone’s duty to keep the community safe ‘yung pagtutulong ninyo sa ating kapulisan,” pahayag ni PGen Benjamin Acorda, Jr. Chief, PNP.
Aabot sa 11 milyong pisong halaga ng monetary reward ang inabot ng PNP sa 13 informants nito.
Sa nasabing bilang, dalawa ang nakatanggap ng tig-5 million pesos na reward matapos nilang isinumbong sa mga awtoridad kung saan nagtatago ang 2 lider ng communists terrorists group (CTG).
Kinilala ang dalawang lider ng komunistang grupo na sina Maria Salome Yu Crisostomo na may kasong rebellion at Rosita Celino Serano na nahaharap sa kasong murder.
Siniguro naman ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. ang seguridad at kaligtasan ng mga informant upang hindi ito balikan ng kanilang mga naisumbong.
“Part of the mechanisms na ginagawa natin when availing on this informant to keep their identity hindi natin dini-disclose ‘yan para makatulong pa sila sa other activities.”
“Nevertheless sa ating mga informants, we are doing our best na protektahan ang kanilang identity and also to provide some measures, pwede yung iba pinapatira sa kampo for a while, maraming paraan in protecting their appropriate safety,” wika ni PGen. Benjamin Acorda Jr., chief, PNP.
Sa huli sinabi ng opisyal na kahit walang monetary reward, responsibilidad ng bawat isa na magbigay ng impormasyon sa kapulisan upang sa gayun ay mas tahimik at mapayapa ang bawat komunidad.