PINARANGALAN si Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. Sa ‘Pammadayaw’ celebration sa Bacarra, Ilocos Norte.
Inorganisa ito ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) bilang pagkilala sa pag-upo ni Acorda bilang ika-29 Chief PNP.
Sa talumpati ni Acorda, pinasalamatan nito ang lokal na pamahalaan ng Bacarra sa pangunguna ni Mayor Nicomedes dela Cruz, Jr. at ang mga sumuporta sa kaniyang karera sa pulisya.
Kinilala rin ng Chief PNP ang pagsusumikap at dedikasyon ng bawat miyembro ng PNP, mga tauhan ng Ilocos Norte Police Provincial Office, LGUs, NGOs, at iba pang indibidwal na nag-ambag para kaligtasan at seguridad ng mga komunidad.
Kasabay nito, nanawagan si Acorda sa publiko na suporta ang mga ipinatutupad na programa ng PNP para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa.