MAGDARAGDAG ang pamahalaan ng P2.56-B na pondo para sa MRT-3 Rehabilitation Program sa 2025.
Bukod pa ito sa P2.93-B budget ngayong 2024 para sa pagsasaayos ng nasabing railway system.
Kasama sa popondohan ang nagpapatuloy na upgrading sa existing rolling stock ng MRT-3, rail tracks, signaling system, power supply system, Overhead Catenary System, communications system, at ang depot and station equipments.
Sa fiscal year 2025, ang P2-B na pondo ay uutangin ng gobyerno habang ang natitirang P560-M ay covered ng government counterpart funding.
Nitong 2023, lumagda sa isang P6.9-B supplemental loan agreement ang Pilipinas sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa second phase ng MRT-3 Rehab.
Sa ngayon, nasa 357,000 na ang average daily ridership ng MRT-3 kumpara sa mahigit P273,000 mahigit na arawang pasahero noong 2022.