P28M halaga ng shabu, nasabat sa Parañaque City; 1 suspek, nasawi

P28M halaga ng shabu, nasabat sa Parañaque City; 1 suspek, nasawi

ISANG suspek ang patay habang tatlong iba pa ang arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Goodwill 3 Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes, kinilala ang suspek na namatay sa engkuwentro na si alyas Sadam at ang tatlong iba pa na sina alyas Sady, 32 anyos; alyas Lala, 26 anyos; alyas Allan, 34 anyos; at alyas Binny, 23 anyos.

Sugatan naman ang apat na kinatawan ng PDEA na agad ring dinala sa kalapit na Parañaque Medical Center para lapatan ng lunas.

Nakumpiska ng PDEA ang apat na paketing sachet na naglalaman ng higit P28-M halaga ng hinhinalang shabu na may kabuuang timbang na apat na kilo.

Bukod rito, nakuha rin ang isang .45 calibre na baril, anim na live ammunitions, isang magazine, dalawang cellphone, isang weighing scale, dalawang kotse at humigit kumulang na P2-M boodle money.

Samantala, ayon sa PDEA, haharapin ng mga suspek ang kasong possession and sale of illegal drugs sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble