P48-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa isang foreigner sa NAIA

P48-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa isang foreigner sa NAIA

NASABAT mula sa isang foreigner sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang nasa P48-M na halaga ng ilegal na droga.

Ayon ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Katumbas ang halaga na nasa pitong kilo ng hinihinalaang shabu na inilagay sa mga pakete ng tsokolate.

Sa inisyal na ulat, isang babaeng Canadian national ang sangkot dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter