NASAMSAM sa isang dating sundalo sa Camarines Sur ang P500,000 halaga ng droga.
Matapos ang buy-bust operation sa Del Gallego, Camarines Sur naaresto ang dating sundalo ng Philippine Army at ngayo’y barangay tanod.
Kinilala ni PRO 5 Regional director Police Brigadier General Jonnel Estomo ang suspek na si Homer Suarilla alyas Waming na kabilang sa drug watchlist.
Nasakote si Suarilla matapos na makipagtransaksyon sa pulis na nag-undercover kapalit ng P100,000.
Nakumpiska ng pulisya ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P500,000.
Agad na dinala sa Del Gallego Municipal Police Station ang suspek na mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.