800 litro ng diesel, naharang sa Iligan City

800 litro ng diesel, naharang sa Iligan City

ILANG litro ng diesel ang naharang sa election checkpoint ng pulisya sa Barangay Maria Cristina, Iligan City.

Sa ulat kay PRO 10 Regional Director Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr., inaresto ang drayber ng multi-cab na kinilalang si Joseph Ponce Mancao matapos na bigong makapagpakita ng lisensya o permit para sa dala nitong produktong petrolyo.

Nakumpiska ng pulisya ang tinatayang 800 litro ng diesel.

Agad na dinala sa istasyon ng pulisya ang drayber para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang reklamo.

Pinuri naman ang pulisya sa mahigpit na pagpapatupad ng election checkpoint lalo na ang pagkakaharang sa mga produktong petrolyo.

SMNI NEWS