11 Mayors sa Camarines Sur, suportado si Bongbong Marcos

11 Mayors sa Camarines Sur, suportado si Bongbong Marcos

SUPORTADO ng 11 Mayor sa Camarines Sur ang kandidatura ni Presidential aspirant Bongbong Marcos sa pagkapangulo.

Ito ang kinumpirma ng kampo ni BBM sa kabila ng katotohanang taga Camarines Sur si Vice President Leni Robredo na tumatakbo bilang pangulo ngayong halalan.

Kasama sa labing isang lugar na sumusuporta ay ang San Fernando, Bula, Sipocot at Del Gallego.

Kasama din ang Cabusao, Canaman, Milaor, Calabanga, Minalabac, Gainza at Pamplona.

Kasunod ito, ibinahagi ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson, President ng League of Municipalities, umaasa ang mga mayor ng nabanggit na mga lugar na tulungan silang maresolba ang kanilang laban sa insurhensya.

Umaasa din silang masosolusyonan ni Marcos ang kanilang problema sa imprastraktura.

SMNI NEWS