P7.1-M halaga ng ilegal na droga galing Australia, nasabat sa Pasay City

P7.1-M halaga ng ilegal na droga galing Australia, nasabat sa Pasay City

NASABAT ng mga operatiba ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IDITG) ang nasa P7.1-M halaga ng iba’t ibang ilegal na droga sa NAIA, Pasay City.

Batay sa impormasyon ng Philippine National Police (PNP), isang controlled delivery mula sa Australia ang kontrabando na nakapangalan sa isang indibidwal na nakabase sa Cebu City.

Nang buksan ang nasabing abandonadong delivery, tumambad rito ang 96 na kahon ng vape cartridge na may timbang na 96 ml na standard drug price na P5-K, 468 gramo ng hybrid marijuana (kush) na may standard drug price na P655,200 at 957 gramo ng shabu na may standard drug price na P6.5-M.

Agad namang dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) headquarters sa Quezon City ang mga ilegal na droga para sa disposisyon at dokyumentasyon sa mga ito.

Patuloy ang babala ng PNP sa mga nasasangkot sa ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay PNP Drug Enforcement Group Director PBGen. Eleazar Matta, malaking bagay aniya ang pagtutulungan ng mga pangunahing ahensiya para sa mabilis na pagtugis at maiwasan ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble