P7-B halaga ng mga isda at iba pang marine resources, apektado ng Mindoro oil spill

P7-B halaga ng mga isda at iba pang marine resources, apektado ng Mindoro oil spill

TINATAYANG nagkakahalaga ng 7 billion pesos ang kabuoang marine resources na apektado sa nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Maria Antonio Yulo-Loyzaga, saklaw ng tinutukoy na marine resources ang mga coral reefs, seagrass, mangroves at mga palaisdaan.

Sa ngayon ayon kay Loyzaga, nagpapatuloy pa ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Kaugnay nito, nakipagkita na ang kalihim ng DENR sa ilang shipowners associations para talakayin ang mga polisiya at mga batas upang maiwasan ang insidente ng oil spill.

Follow SMNI NEWS in Twitter