MAINAM na mas mahigit pa sa P80-M ang ilalaan para sa pagpapalakas ng military facility ng bansa sa Pag-asa Island.
Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto, dapat kasing lakas ng ingay sa pagdepensa ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) ang pondo na ilalaan dito para mas mapaunlad din ang pagbabantay sa nabanggit na teritoryo.
Sa ilalim ng P3.8-B na Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) program ng Department of Public Works and Highways (DPWH), P40-M ang para sa Igloo-Style Ammunition Storage.
P40-M din para sa bagong dalawang palapag na military personnel barracks.
Ang nabanggit na mga pondo ay hindi pa aniya sasapat para mapangalagaan ang teritoryo.
Maliban pa dito ay kailangan pa aniya ng shore protection sa isla dahil maaaring maaagnas na ang airstrip ng Rancudo Air Station doon.