Pabrika ng bomba ng Daulah Islamiyah, nadiskubre sa Maguindanao

Pabrika ng bomba ng Daulah Islamiyah, nadiskubre sa Maguindanao

NADISKUBRE ang isang pabrika na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng bomba sa Brgy. Pagatin, Shariff Saydona, Mustapha, Maguindanao.

Ayon kay Joint Task Force Central at 6th Infantry Division commander Major General Juvymax Uy, ang pabrika ay pinaniniwalaang pinatatakbo ng Emir ng Daulah Islamiya – Turaiffe Group na si Ustadz Esmael Abdulmalik.

Nakuha sa lugar ang 12 assorted container type improvised explosive devices (IED), mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng bomba.

Sinabi ni Uy na hindi titigil ang kanilang pwersa sa pagtugis sa mga terorista upang mapigilan ang mga ito sa pag-atake sa mga komunidad at sibilyan.

Hinimok din ng opisyal ang lahat na manatiling mapagbantay at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang tao o bagay sa kanilang lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter