Pag-ahon sa lumubog na MT Princess Empress, hindi ‘advisable’—NegOr Gov. Dolor

Pag-ahon sa lumubog na MT Princess Empress, hindi ‘advisable’—NegOr Gov. Dolor

HINDI ‘advisable’ na iahon ang lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ito ang ibinahagi ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor sa panayam ng SMNI News alinsunod sa mga sinabi ng kaniyang nakausap na mga eksperto.

Kaugnay nito, nakarating na sa Pilipinas ang mga specialized bag na gagamitin para ma-contain ang tumatagas na langis mula sa MT Princess Empress.

Una nang sinabi ni Gov. Dolor na ikinokonsidera ng mga awtoridad ang prosesong tinatawag na bagging sa pag-contain ng langis.

Ito ang pinakamadali aniya na paraan kung saan gagamit ng special bag sa pag-contain ng tagas na mabibili sa Singapore at United Kingdom.

Habang ginagawa ang bagging, susunod namang gagawin ang pag-patch ng mga bitak na mas komplikado ayon kay Dolor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter