Pag-alboroto ng Bulkang Mayon, maaaring magtagal ng ilang buwan—PHIVOLCS

Pag-alboroto ng Bulkang Mayon, maaaring magtagal ng ilang buwan—PHIVOLCS

INANUNSIYO ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na maaaring tumagal ng ilang buwan ang pag-alboroto ng Bulkang Mayon base na rin sa historical data nito.

Ikinumpara ni PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol ang pinakahuling activities ng Bulkang Mayon noong mga taong 2018 at 2014 at base sa kanilang mga nakalipas na karanasan ay maaari itong tumagal ng ilang buwan.

Dagdag ni Bacolcol, kung matindi ang pag-alboroto ng bulkan, tatagal lamang ito ng ilang araw o linggo ngunit kung ito ay mabagal gaya ng nangyayari sa ngayon, ay maaari itong tumagal ng ilang buwan.

Kahapon lamang nang makapagtala ang PHIVOLCS ng isang volcanic earthquake at nagbuga rin ito ng 723 na tonelada ng sulfur dioxide.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter