Pag-amyenda sa fixed term ng mga opisyal ng AFP pinagtibay na ng Senado

Pag-amyenda sa fixed term ng mga opisyal ng AFP pinagtibay na ng Senado

PINAGTIBAY ng Senado ang bicameral conference committee report sa napagkasunduang bersiyon ng panukalang batas na nagtatakda ng edad na 57 para sa pagretiro ng mga opisyal ng military at enlisted personnel, araw ng Miyerkules.

Sa ikatlong panukalang batas na ipinasa ng Senado sa ilalim ng kasalukuyang 19th Congress, mananatili ang 3 taong maximum tour of duty para sa AFP Chief of Staff na itinakda sa ilalim ng Republic Act 11709, maliban kung aalisin siya sa puwesto ng Pangulo ng mas maaga.

Ang commanding generals ng tatlong pangunahing serbisyo — Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy – at ang superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) ay magreretiro matapos makumpleto ang kanilang 2 taon na maximum tour of duty maliban na lang kung paiigsiin ito ng Pangulo.

“Nakapagbalangkas kami ng isang balancing act na makakapag-maximize sa tour of duty ng AFP Chief of Staff at iba pang pangunahing opisyal na maaaring paiigsin ng Pangulo kung nanaisin niya. Ito ang best option para matugunan ang unintended consequences nitong batas na nagtatakda ng fixed tour of duty ng mga matataas na opisyal ng military,” saad ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, chairperson ng Senate Committee on National Defense and Security.

Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada, chairperson ng Senate Committee on National Defense and Security, na nakapagbalangkas ang mga mambabatas ng isang balancing act na makakapag-maximize sa tour of duty ng AFP Chief of Staff at iba pang pangunahing opisyal na maaaring paiigsiin ng Pangulo kung nanaisin niya.

“Nabuo namin ito matapos ang mga isinagawang public hearings, konsultasyon sa mga opisyal ng AFP, regular na komunikasyon sa matataas na opisyal ng military, Defense Department at malawak na deliberasyon ng mga miyembro ng Senado,” ani Sen. Estrada.

Dagdag ni Estrada, pangunahing may-akda at sponsor ng Senate Bill No. 1849, nabuo ito matapos ang mga isinagawang public hearings, konsultasyon sa mga opisyal ng AFP, regular na komunikasyon sa matataas na opisyal ng military, Defense Department at malawak na deliberasyon ng mga miyembro ng Senado.

Sinabi pa ng chairperson ng Senate Committee on National Defense and Security na sinikap ng Mataas na Kapulungan na mapanatili ang mga layunin ng RA 11709 na pinaiigting ang propesyonalismo at sinisiguro na maipagpapatuloy ang mga polisiya at modernisasyon ng AFP.

Tinutugunan din ng nasabing batas ang sinasabing unintended consequences sa pagpapatupad dito, partikular na sa pag-unlad ng karera ng mga military personnel.

Bago naging ganap na batas ang RA 11709, walang tiyak o itinatakdang bilang ng taon na makapagsisilbi sa kaniyang termino ang AFP Chief of Staff.

Sa ilalim ng RA 8186, ang unang batas na nagtatakda ng porsiyento para sa pamamahagi ng bilang ng mga heneral sa AFP, mandatory retirement age na 56 na pinapataw sa Chief of Staff at iba pang unipormadong miyembro ng Armed Forces.

Ang nasabing panukala na tatawaging “An Act Further Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the Armed Forces of Philippines, and Amending for this purpose RA No. 11709,” ay sasaklaw sa lahat ng opisyal at enlisted personnel ng AFP, gayundin sa mga itinalaga o mga na-promote sa ilalim ng RA 11709 at iba pang nauugnay na batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter