Pag-aresto ng BOC sa 10 airline crew dahil sa tig-2 kilong sibuyas, kinuwestiyon ni Sen. JV

Pag-aresto ng BOC sa 10 airline crew dahil sa tig-2 kilong sibuyas, kinuwestiyon ni Sen. JV

KWESTYUNABLE para kay Senator Joseph Victor “JV” Ejercito ang ginawang pag-aresto ng Bureau of Custom (BOC) sa 10 airline crew ng Philippine Airlines (PAL) dahil sa umano’y pagpupuslit ng sibuyas.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Senadora Cynthia Villar, sinabi ni Ejercito na nalulungkot siya sa malalang problema sa sibuyas sa bansa.

Kamakaillan lamang ay 10 PAL flight attendant ang hinuli ng Customs dahil sa umano’y pagtatangka na ipasok sa bansa ang sibuyas at ilang prutas na walang kaukulang import permit.

Pero iba ang pananaw rito ni Senator JV.

Ayon sa mambabatas, dapat magsilbing eye opener ang pangyayari dahil sa imbes na kung anong pasalubong mula sa ibang bansa ang dalhin, ay sibuyas o agricultural products ang kanilang napili na iuwi.

 

Follow SMNI News on Twitter