Pag-imprenta ng mga balota para sa 4 na plebisito, sinimulan na ng COMELEC

Pag-imprenta ng mga balota para sa 4 na plebisito, sinimulan na ng COMELEC

SINIMULAN na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng mga official ballot at iba pang accountable form para sa apat na plebisito.

Ayon sa COMELEC, nagsimula ang pag-imprenta ng election paraphernalia nitong Martes, Agosto 2 para sa mga sumusunod na plebisito.

-Ratipikasyon ng paglikha ng Barangay New Canaan sa labas ng Barangay Pag-asa sa Alabel, Sarangani sa Agosto 20, 2022.

-Ratipikasyon para gawing component city na kikilalanin bilang City of Calaca ang Municipality of Calaca sa probinsya ng Batangas sa Setyembre 3, 2022.

-Ratipikasyon ng paghahati sa Maguindanao Province sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa Setyembre 17.

-Ratipikasyon ng pagsasanib ng 28 barangay sa 3 barangay at natitirang barangay sa Ormoc City sa Oktubre 8.

Sinabi ng COMELEC na isinasagawa ang pag-imprenta sa National Printing Office sa Quezon City.

Follow SMNI NEWS in Twitter