PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Economic and Development Authority (NEDA) ang ilang pagbabago sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).
Sa ginanap na DSWD forum, sinabi ni assistant Secretary JC Marquez, na magkakaroon ng adjustment sa cash grant ng mga benepisyaryo kung saan isinasaayos pa nila kung ilang porsyento ang maaaring itaas sa natatanggap na ayuda.
Ang hakbang na ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-aralan ang mga paraan na maaaring matugunan ang mga epekto ng inflation sa mahihirap na Pilipino.
Kung maaprubahan na ay posibleng sa susunod na taon pa ito maipapatupad.