Pagbili ng modernized jeepney unit, nakadepende sa operators, drivers—LTFRB

Pagbili ng modernized jeepney unit, nakadepende sa operators, drivers—LTFRB

NAKADEPENDE na sa mga jeepney operators at drivers kung saan bibili ng makamodernong public utility vehicles (PUVs).

Ayon ito kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Technical Division chief Joel Bolano.

Tugon ito sa panawagan ni Sen. Koko Pimentel na pangalanan ng Department of Transportation (DOTr) ang sinumang contractor na magbibigay ng makamodernong PUVs.

Sinabi ni Bolano, ang tanging role lang ng DOTr at LTFRB sa PUV modernization program ang magbigay ng national standard ay wala na sa mandato ang bumili ng sasakyan para sa transport service entities.

Hindi rin pinipilit ang mga ito na bumili ng sobrang mahal na uri ng modernized unit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble