NATAPOS na ang honeymoon period kung meron man ang tandem nina President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.
Ito ang hayagang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.
Ayon kay Pimentel, ang kanyang naging opinyon ay dahil sa ngayon aniya ay si House Speaker Martin Romualdez ang mukha ng Marcos camp.
At mistula aniyang hindi okay ang relasyon ni speaker at ni VP Sara.
Matatandaan na naglandslide noong 2022 elections ang tandem nina PBBM at VP Sara sa ilalim ng kanilang kampanya bilang UniTeam.
Pero sa huling bahagi ng taong 2023 sa budget season ay kinuwestiyon at tuluyan nang hindi binigyan ng Kamara ng confidential funds sa 2024 national budget ang Office of the Vice President (OVP) at ang Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni VP Sara.
Sa kabila nito ay nanatili namang nangunguna si VP Sara Duterte sa mga isinagawang trust and approval rating survey sa mga Pilipino.
