MASAYA at malaki ang pasasalamat ng ilan sa ating mga kababayan sa Malaysia sa pagdalaw ni Vice President Sara Duterte.
Naging busy man ang schedule ni VP Sara sa pakikipagkita sa mga government official at Ministry of Education sa Malaysia ay hindi pa rin nito kinalimutan na kamustahin ang mga kababayan na nagtatrabaho at naninirahan dito.
Sa simpleng hapunan kasama ang VP Sara ng bansa hindi mo maitatago ang saya at pananabik ng ilan sa ating mga kababayan na makita at makadaupang palad ang pangalawang pangulo ng bansa.
Nakipag-selfie, groufie at nakipagkuwentuhan pa si VP Sara sa ating mga kababayan.
Nagpapasalamat naman si VP Sara sa suporta ng ating mga kababayan lalo na sa kaniyang trabaho bilang pangalawang pangulo ng bansa.
Ipinaabot din ni VP Sara ang pagbati ng Pangulo ng Pilipinas na si President Ferdinand R. Marcos Jr. sa ating mga kababayan dito.
Sa huli ay nagpaabot ng kaniyang mensahe si VP Sara para sa nalalapit na Valentine’s Day.