PINAG-uusapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at local government unit (LGUs) ang pagbuo ng Metro Manila Drainage Master Plan.
Pinag-uusapan ng mga opisyal ng MMDA at mga LGUs sa Metro Manila ang bubuuing 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan.
Layunin ng nasabing master plan na pag-isahin ang mga polisiya, estratehiya, at programang may kinalaman sa flooding at drainage improvement works ng buong Metro Manila.
Target ng bubuuing master plan na magkaroon ng integrated drainage system para tiyakin na patuloy ang water flow sa mga daluyang tubig, mabawasan ang insidente ng pagbaha, at mapabilis ang paghupa nito.
Isa ito sa inisyatiba sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project kung saan bahagi ang MMDA na may layuning mabawasan ang pagbaha sa Kalakhang Maynila.