MASASABING political provocation laban sa China ang desisyon ng pamahalaan kaugnay sa pagdadagdag ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.
Ito ang inihayag ni political analyst Ana Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News kaugnay sa karagdagang apat na ipatatayong US military base sa bansa.
Para sa political analyst, hindi na dapat pang palawigin ang EDCA sa bansa maging ang paglalagay ng base na nakaharap sa Taiwan o sa South China Sea.
Iminungkahi rin nito sa kasalukuyang administrasyon, na muling pag-aralan ang Mutual Defense Treaty (MDT), Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at tignan ang talagang nakabubuti sa Pilipinas.
Hindi rin aniya siya naniniwala sa military alliances lalo pa’t mas maraming kaaway ang mga ally natin dahil wala namang kaaway ang Pilipinas.