Pagdagsa ng mga bakuna kontra COVID-19 asahan simula ngayong araw

Pagdagsa ng mga bakuna kontra COVID-19 asahan simula ngayong araw

AASAHAN na simula ngayong araw Hulyo disi sais ang pagdagsa ng mga bakuna kontra COVID-19.

Sa press briefing, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na simula ngayong araw, Hulyo disi sais, darating sa bansa ang higit isang milyong dosis ng AstraZeneca.

Gayundin ang mahigit isang milyon at animnaraang libong dosis ng Johnson & Johnson vaccine na donasyon mula sa COVAX facility.

Sa Hulyo disi syete naman darating sa bansa ang nasa 1.5 million doses ng Sinovac vaccine na kabilang sa binili ng pamahalaan at 3.2 million doses ng Johnson & Johnson vaccine na kabilang sa donasyon sa bansa mula sa gobyerno ng Amerika.

Samantala, una nang dumating ang dalawandaang libong dosis ng Moderna vaccine na binili ng pamahalaan at pribadong sektor.

Naiturok na bakuna kontra COVID-19 sa bansa umabot na sa mahigit labing apat na milyon

Umabot na sa mahigit 14 milyon ang bilang ng mga bakuna na naiturok sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, apat na milyon katao na ang fully vaccinated sa dalawang doses.

Nabatid na mayroong mahigit sampung milyong bakuna ang naiturok sa unang dose.

Habang mahigit apat na milyon naman ang naiturok sa 2nd dose.

Target ng pamahalaan na bakunahan ang 58 million katao upang makamit ang population protection sa katapusan ng taon.

Samantala, inaasahan na madagdagan pa ang bilang ng mga bakuna na ituturok sa bansa dahil sa pagdagsa ng mga bakuna na binili ng pamahalaan.

 

 SMNI NEWS