2 pulis, nahaharap sa kasong murder dahil sa pagbaril sa isang mangingisda sa Cabadbaran City, Agusan del Sur

2 pulis, nahaharap sa kasong murder dahil sa pagbaril sa isang mangingisda sa Cabadbaran City, Agusan del Sur

SINAMPAHAN ng kasong murder ang dalawang pulis na umano’y bumaril sa 31-anyos na mangingisda sa Cabadbaran City, Agusan del Sur.

Sa isang pahayag kinilala ng PNP ang mga pulis na sina Police Senior Master Sergeant Rizyl Torricer at Patrolman Ariel Jay Panes na pawang nakatalaga sa PNP Agusan del Norte Maritime Unit.

Matapos ang pagtatalo sa grupo ng mga mangingisda, sinasabing binaril nina Torricer at Panes ang biktima na si Ikiel Kintanar sa baybayin ng Cabadbaran City sa kasagsagan ng kanilang seaborne patrol noong Hulyo 10.

Tiniyak naman ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na hindi pagtatakpan ang dalawang sangkot na pulis.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cabadbaran City Police Station ang mga suspek.

Nagpaalala naman si Eleazar sa mga police na laging ipatupad ang maximum tolerance maliban na lamang kung nanganganib ang kanilang mga buhay.

 

SMNI NEWS