HANGGANG ngayong araw na lang, Disyembre 9, 2024 ang pagdinig ng Kamara hinggil sa Confidential Funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Inanunsiyo ito mismo ng chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Isa sa mga rason anila sa pagtatapos ng pagdinig ay ang mga impeachment complaint na nakahain na laban kay Vice President Sara Duterte na namumuno sa OVP at naging kalihim din ng DepEd.
Hinggil naman sa inihaing impeachment complaints laban kay VP Sara, sinabi ni Sen. JV Ejercito na nagiging sanhi lang ito ng pagkakahati-hati ng mga Pilipino.
Magiging sanhi pa ito upang mahadlangan ang pag-unlad ng bansa.
Si SAGIP Party-List Rep. Rodante Marcoleta, ganito rin ang opinyon at sinabi pa nito na imposibleng magkaroon ng pagkakaisa dahil sa kaguluhan na nangyayari sa politika ngayon.
Sa panig ni Sen. Bato Dela Rosa, ‘go ahead’ ang komento nito hinggil sa impeachment case.
Binigyang-diin ni Sen. Bato na halata naman ang motibo kung bakit sinisingle-out ang OVP.