Paggamit ng cellphone tuwing duty, mahigpit na ipagbabawal sa traffic enforcers ng MMDA

Paggamit ng cellphone tuwing duty, mahigpit na ipagbabawal sa traffic enforcers ng MMDA

MAGHIHIGPIT ng sinturon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang hanay sa pagbabantay sa mga lansangan ngayong holiday season.

Ayon kay MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes, mahigpit nilang ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa kanilang mga traffic enforcer.

Saad nito, mahaharap sa kaukulang kaso ang enforcer na mapatutunayang nilabag ang panuntunan.

Kasong administratibo ang isasampa ng MMDA laban sa mga ito.

Mahigpit namang ipagbabawal ng MMDA ang ‘abangers’ na traffic enforcers na magtatago sa dilim na lalabas lamang tuwing may mahuhuling traffic violator.

Mag-iikot naman ang monitoring team ng MMDA sa buong Metro Manila para bantayan ang performance ng kanilang enforcers.

Follow SMNI NEWS in Twitter