Pagkakaaresto sa 2 miyembro ng Dawlah Islamiya sa South Cotabato, pinuri ng militar

Pagkakaaresto sa 2 miyembro ng Dawlah Islamiya sa South Cotabato, pinuri ng militar

PINURI ng pamunuan ng Joint Task Force Central ang matagumpay na pagkakaaresto sa dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya-Socsargen Khatiba Group sa South Cotabato.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jerry Pandian, 44 taong gulang at Yeb Salela, 18 taong gulang, kapwa nahaharap sa kasong frustrated murder.

Isinilbi sa kanila ng militar at pulisya ang search at arrest warrants na pirmado ng huwes sa Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 63 sa Polomolok, South Cotabato.

Nakuha ng mga awtoridad ang cal. 45 Pistol, 5.56 mm Single Shot Pistol, mga bala, 9 Volts battery, Detonation Cord, 71 piraso ng Enhancer, kulay pula at itim na Wire Initiator.

Nanawagan si Major General Roy Galido, commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division sa kanilang mga tauhan na tulungan ang pulisya sa pagpapatupad ng batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad sa anumang banta.

Follow SMNI NEWS in Twitter