Pagkakahuli sa most wanted person ng bansa, pinuri ng PNP chief

Pagkakahuli sa most wanted person ng bansa, pinuri ng PNP chief

PINURI ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa matagumpay na pagkakaaresto sa most wanted person ng bansa.

Kinilala ang akusado na si Faisal Kasim Isnain, alyas Fai na naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape at murder sa Brgy. Lupa Pula, Mapon, Tawi-Tawi.

Si Isnain ay tinaguriang “National Level Most Wanted Person” sa ilalim ng DILG Memorandum Circular Number 2009-29.

Siya ay miyembro ng Barahama Ali Group na sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng kidnapping, robbery, drug trafficking, at car theft.

Ayon kay PNP CIDG director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., unang inilabas ng korte ang warrant of arrest noong Hunyo 2005 pero dahil sa pagtatago ni Isnain ay hindi ito naisilbi ng otoridad.

Muli aniyang naglabas ng warrant of arrest ang korte na ginamit sa matagumpay na paghuli sa akusado.

Follow SMNI News on Twitter