Brgy. Development Program ng NTF-ELCAC, palalakasin –NSA Año

Brgy. Development Program ng NTF-ELCAC, palalakasin –NSA Año

TINIYAK ng bagong upong National Security Adviser (NSA) ng bansa ang pagpapalakas sa mga programa ng NTF-ELCAC, ang government arm kontra CPP-NPA-NDF.

Sa entrada ng 2023 ay nagkaroon ng balasahan sa Defense cluster ng Marcos administration.

Ito’y matapos palitan sa pwesto si dating NSA Clarita Carlos ni dating AFP Chief of Staff Eduardo Año.

Crucial ang posisyon bilang NSA na kadalasang hawak ng mga nagmula sa AFP o may military background.

Si Carlos ay isang political scientist na matagal na nagturo sa University of the Philippines.

Habang si Año, inilagay bilang DILG Secretary ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kilala si Secretary Año bilang taga suporta ng NTF-ELCAC.

Ang task force na unang binuo ng Duterte administration dala ang good governance sa mga liblib na lugar na dating pinagkutaan ng mga NPA.

Kaya ngayon, siya na ang bagong NSA, tiniyak ni Año ang pagpapalakas sa Barangay Development Program ng NTF-ELCAC.

“Lalo pa nating paiigtingin yung ating mga kampanya. Ang development dadalhin natin sa mga BDPs natin. Yung 12 cluster binuo natin. Meron tayong mga plano, sisiguraduhin natin ang mga local government executive natin ay mangunguna dito. At higit sa lahat yung armed followers, hinihimok natin na magsurrender na yung mga kapatid na naligaw ng landas,” ani Sec. Eduardo Año, National Security Adviser.

At kung hindi madala sa pakiusapan? Tiniyak ni Año na buong pwersa silang haharapin ng government troops.

“At yung mga hindi talaga magsu-surrender, they will feel the full force of the law. Sisiguraduhin natin na matatapos kaagad itong insurgency na’to sa lalong madaling panahon,” ani Año.

Personal din daw na ila-lobby ng bagong NSA sa Senado at Kamara na mabigyan ng mas malaking budget ang task force sa susunod na taon.

Lalo pa’t P10-Billion ang unang inasahang BDP budget ng NTF-ELCAC ngayong taon.

Pero nauwi lamang ito sa P6.3-Billion.

“Kailangang madala yung serbisyo, mga projects sa mga affected barangays na’to. Para maramdaman nila na talagang sila ay kinakalinga ng pamahalaan at mawalan na rin ng interes ang komunistang teroristang grupo sa mga barangay na ito,” dagdag nito.

Tiwala naman si bagong Defense Secretary Carlito Galvez na nasa mabuting kamay na ngayon ang NTF-ELCAC.

“The NTF-ELCAC talagang very alive ngayon kasi we have Secretary Año at the helm. Rest assured that the OPAPRU, the DND and NSA will work together for this,” saad ni Sec. Carlito Galvez, Department of National Defense.

Gaya ni Año, dati ring miyembro ng Duterte cabinet si Galvez bilang Peace Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity.

Kaya asahan daw ang mas maagap na pagpapasya mula sa kanila.

“Magandang natutunan ko rin sa previous administration yung sense of urgency. So, as a Cabinet member, you have to inform the President about the real situation,” ayon pa kay Galvez.

NTF-ELCAC, AFP, PNP at buong bayan, nagpapasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy – Sec. Año

Samantala, pinasalamatan naman ni Sec. Año si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Dahil sa pagpapanatili ng momentum sa laban ng bansa kontra insurhensya.

At ang pagpapagamit nito sa SMNI bilang platform sa information war kontra CPP-NPA-NDF.

3 hours a day five days a week, umeere sa SMNI ang programang Laban Kasama ang Bayan na nakatuon sa paglalahad ng impormasyon kontra insurhensya.

Ang programa, ay espesyal na binuo ni Pastor Apollo.

“Sana tuluy-tuloy ang suporta ng ating mahal na Pastor at gusto kong ipabatid sa kanya na nagpapasalamat ang ating bansa, ang NTF-ELCAC, ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police sa mga tulong na naibibigay niya. And hopefully, we will finally finish this insurgency so that we can have what we call a meaningful lasting peace for our fellow Filipinos,” wika ni Sec. Año.

Follow SMNI NEWS in Twitter