Pagkakaroon ng trabaho sa korte ng ex-police na nanakit ng siklista, kwestiyunable—Atty. Roque

Pagkakaroon ng trabaho sa korte ng ex-police na nanakit ng siklista, kwestiyunable—Atty. Roque

IPINAGTATAKA ni dating Palace Official Atty. Harry Roque ang pagkakaroon ng trabaho sa Supreme Court ng dating police na si Willie Gonzales.

Si Gonzales ang nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa Welcome Rotonda, Quezon City.

Para kay Atty. Roque, dapat nasuri ang background ni Gonzales bago tinanggap ng Supreme Court lalo na’t may dalawang kasong pending laban dito.

Infairness naman sa Supreme Court ayon kay Atty. Roque dahil agarang tinanggal nila sa serbisyo si Gonzales matapos mangyari ang insidente sa siklista.

Sa kabilang banda, sinabi ng butihing abogado na sana’y hindi binigyan ng forum ni Quezon City Police District (QCPD) director PBGen. Nicolas Torre III si Gonzales.

Nagmimistulang kinampihan na tuloy ni Torre si Gonzales dahil dito nahalata namang nanakit ang huli sa siklista.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter