Pagkakasangkot sa ilegal na droga, isyu ng pangongotong ng pulis— PLtGen. Danao  

Pagkakasangkot sa ilegal na droga, isyu ng pangongotong ng pulis— PLtGen. Danao  

MULING pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Area Police Command Western Mindanao PLtGen. Vicente Danao Jr. ang mga dating kasamahan nito sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito ay kaugnay sa isyu ng ilegal na droga at iba pang ilegal na gawain na posibleng makaaapekto sa trabaho.

Sa panayam sa heneral, sinabi niya na sadyang panira lamang sa imahe ng kapulisan ang ilegal na droga kung kaya payo nito, huwag na huwag masangkot dito.

Giit pa ni PLtGen. Danao, maging tanda sana ng mga kapulisan ang mga kontrobersiya na bumabalot ngayon sa organisasyon kung saan daan-daang police personnel ang itinuturong sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.

Bagay na ikinadidismaya rin ng opisyal kung bakit hindi mapigilan ng mga ito na matukso sa ilegal na gawain.

Ito’y sa kabila ng pagtataas ng sahod sa kanila sa ilalim noong ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Samantala, nang tanungin kung pabor ba ito sa pagbuwag ng organisasyon at palitan ito sa ilalim ng pamumuno ng military ang kaniyang naging tugon. (delete) need SOT

Matatandaang, halos hindi na masikmura ni dating Pangulo Duterte ang isyu ngayon sa PNP partikular na sa pagkakasabat ng P6.7-B na halaga ng shabu na pagmamay-ari ng isang pulis at pagkakasangkot ng ilang opisyal ng PNP.

Sa tala ng anti-drugs campaign ng pamahalaan, ito na ang pinakamalaking halaga ng ilegal na droga na nasamsam ng mga awtoridad sa isang buy-bust operations nito.

Bagaman nauna nang sinabi ng PNP na gumagana pa rin naman anila ang hustisya ng PNP habang nananatiling mataas anila ang tiwalang nakukuha nila mula sa taong-bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter