SUMIPA sa 7.4 percent ang Gross Domestic Products (GDP) o paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang kwarter ng 2022.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay mula sa naitala na 12.1% sa parehong kwarter noong nakalipas na taon.
Ang Net Primary Income (NPL) mula sa ibang bahagi ng mundo naman ay tumaas ng 64.8 percent.
Gayundin, ang Gross National Income (GNI) ay nagtala ng pagtaas na 9.3 percent sa ikalawang kwarter ng 2022.