Paglipat ng lokasyon ng Office of the Vice President, hindi luho –OVP spokesperson

Paglipat ng lokasyon ng Office of the Vice President, hindi luho –OVP spokesperson

DINIPENSAHAN ng Office of the Vice President (OVP) ang desisyon nito na lumipat ng bagong opisina mula sa Quezon City.

Pagbibigay-diin ni OVP Spokesperson Atty. Reynold Munsayac, hindi ito luho.

Paglalahad ni Munsayac na ang hindi alam ng karamihan na sa nakaraang administrasyon, dalawa ang lokasyon ng OVP.

“Hindi po ito luho. Ang hindi po alam ng karamihan noong nakaraang administrasyon dalawa po ang lokasyon ng Office of the Vice President. May opisina po sa Quezon City reception house sa New Manila, magandang lugar, magandang lokasyon pero marami pong empleyado ng Office of the Vice President ang pumapasok sa Ben-lor bldg. sa Quezon Ave,” pahayag ni Munsayac.

Dahil masikip at siksikan ang mga empleyado sa Benlor Building ani Munsayac, mas minabuti ng bagong administrasyon na maghanap ng bagong opisina.

“Nang pinuntahan po namin ‘yong lugar medyo masikip, siksikan ‘yung ibang empleyado, ‘yung iba ho nagsi-share na lang ng lamesa at kaya naisip po namin na maganda ho siguro sa isang ahensya, lahat ng empleyado, pinuno o opisyal, sama-sama lahat sa ilalim ng iisang bubong,” ayon ni Munsayac.

Pagbibigay-diin pa ni Munsayac na mas nagiging efficient ang mga empleyado dahil hindi na tumatagal ang pag-iikot ng mga dokumento.

“‘Yan po ay hindi luho,mas hinangad po namin ‘yung efficiency. Ang problema po ay ‘yung iba nagkakaroon agad ng konklusyon na hindi naman kompleto ang kanilang facts,” dagdag ni Munsayac.

Pinasinungalingan din ng OVP ang post ni Ramon Tulfo at taliwas sa kaniyang sinabi ani Munsayac, ang Quezon City Reception House ay hindi libre at nagbabayad ang OVP ng renta nito.

BASAHIN: Blessing at Ribbon-cutting Ceremony sa bagong Office of the Vice President Central Office, pinangunahan ni VP Sara

Follow SMNI News on Twitter