KAISA ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) sa panawagan na magkaroon ng kasunduan para sa pagpapatigil ng paggamit ng fossil fuel.
Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, full support dito ang kagawaran lalo pa’t maraming nakukuhang sakit mula sa produksyon ng fossil fuel.
Ipinunto ni Vergeire na ang fossil fuel ay nakakapagdala ng air pollution na siyang dahilan para magkaroon ng respiratory illness ang marami dito sa atin.
Ang respiratory illness ay siyang nangungunang sakit sa bansa kung pagbabatayan ang mga konsultasyon na ginagawa ng mga pasyente.
Ang fossil fuel ay karaniwang ginagamit ng mga pabrika, power station at sa mga sasakyan.
