Paglulunsad ng Metro Manila Subway Project TBM, personal na sinaksihan ni PBBM

Paglulunsad ng Metro Manila Subway Project TBM, personal na sinaksihan ni PBBM

PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Metro Manila Subway Project (MMSP) Tunnel Boring Machine (TBM) sa lungsod ng Valenzuela.

Tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng Build Better More infrastructure agenda ng administrasyong Marcos at kabilang na rito ang naturang proyekto.

Ginanap ang naturang launching ng TBM sa Metro Manila Subway Depot sa Barangay Ugong, Valenzuela City, araw ng Lunes, Enero 9, 2023.

Kasama ni Pangulong Marcos sa dumalo sa TBM launching sina Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, Valenzuela City Mayor Weslie Gatchalian, Sen. Mark Villar, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. JV Ejercito pati rin si Minister and Deputy Chief of Mission Matsuda Kenichi ng Embassy of Japan in the Philippines.

Naroon din sa event ang mga kinatawan at opisyal ng Japan International Cooperation Agency (JICA), Oriental Consultants Global at Shimizu Corp.

Kasama sa programa ang discussion and viewing ng TBM backup cars.

Nagkaroon din ng TBM launching o pushing of button na pinangunahan din ni Pangulong Marcos.

Ang TBM ay may outer diameter na 6.99 meters, may total length na 95.0 meters kasama na rito ang backup cars at may bigat na nasa 700 tons.

Ang naturang machine ay makapag dig up ng 300 to 600 cubic meter kada araw.

Ang cutter head ang pinakamalaking parte ng TBM na may bigat na 74 tons.

Ang MMSP++ ay may route length na 33.1 kilometers mula Valenzuela City hanggang Parañaque City.

Pinondohan ang naturang proyekto ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa ilalim ng loan agreement.

Ang total approved project cost ng MMSP ay nasa mahigit 488 billion pesos (P488, 479, 640, 000).

Mayroong 17 istasyon ang Metro Manila Subway Project.

Binubuo ng 30 8-car trainset ng MMSP at nasa 2,288 passengers ang train capacity.

Kapag natapos ang MMSP, magiging 42 minutes na lang ang biyahe mula Valenzuela hanggang NAIA Terminal 3 habang 46 minutes naman mula Valenzuela hanggang Bicutan.

Ang naturang infrastructure projects ay bilang pagpapatuloy sa Build, Build, Build program ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kasalukuyang administrasyon naman, iginiit ng pamahalaan na walang makapipigil sa Build Better More program mula sa pagsasakatuparan ng layunin ng isang golden age of infrastructure.

Target na magiging fully operational ang Metro Manila Subway Project sa 4th quarter ng 2028.

Oras na magiging operational na ang subway project na ito, inaasahang makapagsisilbi ito ng mahigit 500,000 na mga pasahero bawat araw.