Pagpapabagsak ni Joma Sison at Ninoy Aquino sa gobyerno, ibinulgar ng dating PKP lider

Pagpapabagsak ni Joma Sison at Ninoy Aquino sa gobyerno, ibinulgar ng dating PKP lider

ISANG malaking pasabog ang ibinahagi ni Jose Pete Tuazon Arce, ang kapatid ng yumaong tanyag na Mindanao NPA Commander na si Merardo Arce ang totoong relasyon ni Joma Sison at Ninoy Aquino.

Ayon kay Pete, si Ninoy ang isa sa tumulong sa pagkatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).

Naging emosyonal ang pagsasalaysay ni Pete Arce nang kaniyang ibunyag ang matagal nang itinatagong rebelasyon na sumira ng kasaysayan ng bansa.

Kaya naman sa kaniyang pagsasalita ay tila maluha-luha ito habang binabanggit ang mga nasakripisyong buhay dulot ng malagim na digmaan sa pagitan ng Partido Komunista ng Pilipinas at pwersa ng estado.

Dito ay ibinahagi rin Pete kung ano pundasyon ng samahang Joma Sison at Ninoy Aquino sa paaralan ng Uniberisdad ng Pilipinas.

Mas pinagtibay pa ni Pete ang kaniyang testimonya nang makasama niya mismo ang mga top Commander ng CPP-NPA at kung anong relasyon ni Cory at Ninoy sa mga naturang lider ng Partido Komunista ng Pilipinas na may kaugnayan sa naging kalayaan bilang political prisoner ng mga nabanggit na mga PKP lider.

Isa pa sa kakila-kilabot na pagbubunyag ni Pete ay ang pagbuwag sa tropa ng gobyerno na Task Force Lawin na lumalaban sa insurhensiya at itatag ang Ninoy Aquino Peace Plan in Central Luzon na umano’y kumpas mula kay Joma Sison para maitatag at mamayagpag ang New People’s Army (NPA).

Dagdag pa ni Pete na alam umano ni Ninoy Aquino ang nangyaring malagim na Plaza Miranda Bombing kung saan isang media network ang ginamit nito para isisi kay late former President Ferdinand Marcos Sr. ang naturang insidente.

Sa kabila ng nakaambang panganib sa buhay ni Pete Arce dahil sa pagsisiwalat nito sa ginampanang papel ni Ninoy Aquino ay masaya ito na sa matagal na panahon ay nasabi niya rin ang kaniyang gustong ibahagi sa taong bayan sa totoong istorya sa buhay ni Ninoy Aquino.

Follow SMNI NEWS in Twitter